Saturday, January 22, 2011

Paano mo matatakasan ang lagim ng nakaraan na dulot ng isang . . . . . . .. . . COMPUTER

                             Ako si Mhel, kaibigan ni Kate. Dati-rati ay lagi kaming magkasama ni kate ngunit nagbago
lahat nang makilala niya c Fred, isang IT expert.
                              Matalik kaming magkaibigan ni Kate kaya halos buong pangyayari sa aming buhay ay alam ng bawat isa, hindi pupwede ang naglilihim sa aming dalawa. minsan nagkayayaan kaming mag-libot sa plaza at doon niya nakilala si Fred. Madaling napaibig niFred ang kaibigan ko. Noong una. ayos pa samahan namin kahit sila na Fred ngunit nang naglaon hindi na siya sumasama sa'kin at kay Fred lamang nakatuon ang atensyon niya. Nang dahil dun napagpasiyahan ko na hanapin ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon.
                             Sa isang baranggay s San Pablo, Laguna nakatira si Fred. Sa akng pagtatanong ay nalaman ko na kasama sa isang kulto si Fred at lagi raw gabing naalis siFred sa kanilang bahay.Nalaman ko rin kung saan ang hideout nina Fred.
                               Pinuntahan ko ang nasabing lugar at doon napatunayan ko na totoo ang lahat ng aking napag-alaman, nakita ko ang isang computer at ang nakalagay sa window nito na FFF 666. At sa di inaasahang  pagkakataon ay nakita ko si Kate                          
                             Kinabukasan pinuntahan ko si Kate sa kanilang bahay.
                          "May naalala ka ba sa mga nangyari?" tanong ko.
                           "Wala, bakit ano ba yun?"sagot ni Kate.
                            "Ah, wala yunsiguro'y panaginp lan yun." wika ko.
                   Nakalipas ang isanag taon, napagdesisyunan ko na bumili ng isang computer para sa aking trabaho ngunit bumaling sa isipan ko ang sinabi ni Fred na mabubuhay siya sa pamamagitan ng isang computer. Natuloy ang plano ko at isang secondhand na computer lamang ang nabili ko. Maayus-ayos pa yun  kahit na  secondhand lamang ito ngunit makaraan ang ilang linggo ay may nararamdaman na ako na kakaiba na binili ko. Gusto ko na isauli ang computer pero ayaw ng may-ari.
                       Isang gabi ay pumunta as amin si Kate.   
                     "Oh! Mhel patingin  nga nung binili mong computer" wika ni Kate
                     "Ah, yun ba nasa kuwarto ko yun, tingnan mo na lang may ginagawa kasi ako eh!" sagot ko.   
                   Nagtungo sa kuwarto ko si Kate, binuksan niya ang facebook niya at may natanggap siyang E-mail na para bang pinagbabantaan siya at tinatakot. Nang biglang
                                                 Ahhhhhhhhh! ! ! !
               Agad akong nagtatakbo sa aking  kuwarto at nakita ko na nabulagta na si Kate. Takot no takot ako sa mga oras na yun nang may biglang may lumabas na tao sa computer,
                         "Si Fred !"sigaw ko.
          "Di ba sinabi ko sa inyo na babalik ako at maghihiganti, ngayon isusunod na kita sa kaibigan at katulad niya ikukulong rin kita sa loob ng computer,ha!ha1ha! ! ! !"sabi ni Fred.
           Agad akong nagtatakbo sa may pintuan ngunit bigla itong sumara, nag-isip ako kung paano mapapatay muli si Fred at naalala ko ang sinabi ni ni Father na sa oras ng kapahamakan ay walang ibang malalapitan kung hindi si HESUKRISTO at naalala ko rin na may holy water ako sa  bahay.
         Agad ko itong kinuha at binasbasan ko ang computer. Muli nakita ko na naman ang itim na espiritu ngunit sa pagkakataong ito ay agad itong naglaho at bumalik na rin ang kaluluwa na Kate
         Simula noon ay kinalimutan na namin ang lahat ng nangyari sa gabi na iyon.

No comments:

Post a Comment